Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Sec. Jerry Acuzar ngayong umaga.

Tinalakay nila ang iba-ibang programa ng DHSUD para sa kasiguraduhan sa paniniharahan ng mga QCitizen. Napag-usapan din nila ang mga property ng national government na maaaring magamit sa programang pabahay ng lokal na pamahalaan.

Kasama ni Mayor Joy sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao, Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) Acting Assistant Head Atty. Jojo Conejero, at mga opisyal ng DHSUD.

+3