Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte, City Legal Officer Atty. Carlo Austria kasama ang mga kinatawan mula sa Department of Public Works and Highways upang talakayin ang isasagawang pumping station sa ilang barangay sa QC.
Kasama rin sa pulong ang DOHWA Engineering Company na magiging katuwang ng pamahalaang lungsod sa proyekto.
Ang pumping station na itatayo sa Barangays Doña Imelda, Tatalon at Roxas ay makatutulong upang maiwasan ang matinding pagbaha sa ilang bahagi ng lungsod.