Makikipagtulungan ang Quezon City Government sa Department of Science and Technology – NCR (DOST-NCR) para mas masuportahan ang QCitizen urban farmers!
Ngayong Lunes, nakipagpulong ang DOST-NCR sa lokal na pamahalaan upang ipaliwanag ang Project SARAI (Smarter Approaches to Reinvigorate Agriculture as an Industry).
Sa pamamagitan ng Project SARAI, magde-deploy ng mga science-based crop technology na makakatulong sa mga magsasaka at kanilang pananim. Kabilang sa mga pilot sites ng Project SARAI sa NCR ang Sunnyville Community Model Farm sa Pasong Tamo at New Greenland Farm sa Bagong Silangan.
Dahil sa aktibong pakikilahok ng lungsod sa programa, kinilala ang QC sa ginanap na National Science, Technology, and Innovation Week (NSTW) 2025.
Kasama sa ginanap na pulong sina Mayor Joy Belmonts, Ms Tina Perez ng Joy of Urban Farming, at mga project officer ng Project SARAI.










