Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Department of Tourism Secretary Christina Frasco para pag-usapan ang Redevelopment Plan ng Quezon Memorial Circle. Kasama sa pagpapaganda at pagpapabuti ng lugar ang pagkakaroon pa ng karadagang green at open spaces at mga pasilidad tulad ng open amphitheater, playground, at iba pang lugar kung saan makakapagpahinga at makakapaglibang ang QCitizens.

Ito rin ay alinsunod sa layunin na manatiling luntian ang lungsod at Green Lung of Metro Manila na binibisita ng maraming turista.

Kasama ni Mayor Joy sina City Administrator Mike Alimurung, City Architect Lucille Chua, Parks Development and Administration Department OIC Arch. Red Avelino, City Tourism Department OIC Ms. Tetta Tirona, at Quezon Memorial Circle Administrator Windsor Bueno.

+24