Pride and inclusivity – another reason to #LoveThePhilippines!
Bilang suporta sa Quezon City, nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at mga kinatawan ng Department of Tourism (DOT) para talakayin ang mga aktibidad para sa mas makulay na selebrasyon ng Pride Month.
Tampok sa pulong ang panukalang gawing mas LGBTQ-friendly ang mga business establishment sa lungsod bilang hakbang sa mas inklusibong turismo.
Kabilang sa mga natalakay ang patuloy na promosyon ng turismo sa lungsod hindi lamang tuwing Pride Month, kundi sa buong taon.
Dumalo sa pulong sina Gender and Development Office head Janete Oviedo at External Relations Officer Ma. Teresa Tirona.


