Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Department of Transportation Usec. Andy Ortega upang talakayin ang mga programang pang transportasyon sa lungsod.
Nakiisa sa pulong sina Land Transportation Franchising and Regulatory Board Chairman Atty. Teofilo E. Guadiz III at Office of Transport Cooperatives Chairman Reymundo de Guzman Jr.
Kasama rin sa talakayan sina Asst. City Administrator for Operations Alberto Kimpo, QC Traffic and Transport Management Department chief Dexter Cardenas, at City Legal Officer Atty. Carlo Austria.
Makakaasa ang mga QCitizens na sinisikap ng pamahalaang lungsod at DOTr na bigyang solusyon ang mga hinaing at suhestyon ng bawat pasahero at public utility vehicle operators sa QC.