Nakatakdang ilunsad sa Quezon City ang programa ng Department of Education para matugunan ang malnutrisyon at problema sa mental health ng mga kabataan sa lungsod.
Personal na inanyayahan ni DepEd Asec. Dexter Galban si Mayor Joy Belmonte na makiisa sa programa, na nakatakdang isagawa sa January 24, 2024 kasabay ng International Day of Education.
Bukod dito, pinag-usapan din ng alkalde at ni Asec. Galban, kasama si Education Affairs Unit chief Maricris Veloso, ang iba pang proyektong maaaring pagtulungan ng DepEd at pamahalaang lungsod kabilang ang pagpapa-unlad ng sports program at pagsusulong ng kahalagahan ng adolescent health sa mga mag-aaral.

