Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng Simbahang Katolika ngayong umaga, sa pangunguna nina Diocese of Novaliches Bishop Roberto Gaa at Rev. Fr. Antonio E. Labiao, Jr.
Magtutulungan ang lokal na pamahalaan at ang simbahan sa pagsusulong ng good governance sa lungsod, at pagtitiyak ng aktibong partipasyon ng iba-ibang sektor sa pamamahala.
Bukas din ang ang simbahan na makipag-partner sa lokal na pamahalaan sa pagsasagawa ng mga programang magsisiguro sa kapakanan at kalusugan ng mga QCitizen.
Kasama naman ng alkalde sa pulong si Chief of Staff Rowena Macatao.






