Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng barangay sa District 1 upang talakayin ang mga flood control projects sa kanilang nasasakupan.
Hinikayat ni Mayor Joy ang mas matibay na pakikipag-ugnayan ng mga barangay sa pamahalaang lungsod, partikular sa pagtukoy ng mga flood control projects na isinagawa ng DPWH sa kani-kanilang lugar.
Ito ay bahagi ng flood control audit ng lungsod, kung saan lahat ng nakalap na datos ay isusumite sa mga itinalagang ahensya ng Pangulo upang imbestigahan ang isyu ng flood control projects.
Ang konsultasyon ay alinsunod sa prayoridad ng alkalde na matiyak na lahat ng flood control projects sa QC ay nakaayon sa Drainage Masterplan.
Dumalo rin sa konsultasyon sina Majority Floor Leader Aly Medalla, Kon. Joseph Juico, at District 1 Action Officer Ollie Belmonte.
Kasama rin sa pulong sina Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, at City Engineer Atty. Dale Perral.








