Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinakinggan ni Mayor Joy Belmonte ang iminungkahi ng barangay captains sa District 2 tungkol sa flood control projects ng Department of Public Works and Highways.
Inatasan ng Alkalde ang mga kapitan na suyurin ang kanilang komunidad at hanapin ang mga proyektong may anomalya at i-report sa lokal na pamahalaan.
Kasama sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, at Action Officer Atty. Bong Teodoro.








