Nakipag-usap ang lokal na pamahalaan sa mga barangay chairperson sa district 3 para pag-usapan ang mga flood control project sa kanilang lugar.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte na kailangan makipag-ugnayan muna sa lokal na pamahalaan ang anumang national government agency bago mai-implement ang proyekto sa kanilang barangay.
Kapag maayos ang koordinasyon, maiiwasan ang duplication, at mali o hindi akmang proyekto. Kapag mayroon ding certificate of coordination, masisiguro ang suporta at tulong ng lokal na pamahalaan, para mabilis na maisakatuparan ang proyekto.
Hinikayat din ng alkalde ang mga kapitan na i-report sa pamahalaang lungsod ang anumang flood control project na isinasagawa sa kani-kanilang lugar para maisama sa flood control audit na idudulog sa Pangulo.
Bukod kay Mayor Joy, naroon din sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, at District 3 Action Officer Atty. Tommy De Castro.








