A WALKABLE KATIPUNAN AVENUE!
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at District 3 Rep. Franz Pumaren upang talakayin ang Katipunan Academe Corridor project ng Lungsod Quezon ngayong Linggo.
Layon ng proyekto na gawing pedestrian-friendly, magkaroon ng mas ligtas na bike lanes, at dagdag na open spaces para sa QCitizens ang kahabaan ng Katipunan Avenue.
Parte ng proyekto ang itatayong parking building, linear park, at pagsasaayos ng pavements.
Kasama ng alkalde sa pulong sina City Planning and Development Department OIC Jed Gomez, City Engineer Atty. Dale Perral, Human Resource Management Department head Atty. Noel Del Prado, at mga kawani ng Department of Public Works and Highways.




