Tinipon ng lokal na pamahalaan ang mga punong barangay sa district 4 para pag-usapan ang flood control projects sa kani-kanilang lugar.
Hinimok ni Mayor Joy Belmonte ang mga kapitan na i-report sa pamahalaang lungsod ang lahat ng mga isinasagawang flood control project sa kanilang nasasakupan para maisumite sa Pangulo at maimbestigahan.
Sa District 4, nasa 54 flood control projects ang ginawa at isinasagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na nagkakahalagang 4.15 Billion pesos.
Alinsunod sa City Ordinance SP-2939, S-2020, kailangan munang makakuha ng certificate of coordination mula sa pamahalaan ang anumang national government agency. Layon nitong masiguro na ang isasagawang proyekto ay nakaayon sa plano ng lungsod at sagot sa kinakailangang serbisyo ng mga mamamayan.
Dumalo rin sa pulong sina Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, City Engineer Atty. Dale Perral, District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate, at Liga ng mga Barangay President Coun. Mari Rodriguez.








