Nakipagpulong ang Quezon City Government kay District 4 Rep. Marvin Rillo at sa Department of Public Works and Highways (DPWH) para pag-usapan kung paano matutugunan ang pagbaha sa distrito.
Ipinakita nina Mayor Joy Belmonte at City Engineer Atty. Dale Perral ang Drainage Master Plan ng lungsod kina Rep. Rillo at DPWH Quezon City 2nd District Engineer Johnny Protesta.
Sa Drainage Master Plan naka-detalye ang mga proyekto ng lungsod para maayos ang mga estero at daluyang-tubig.
Noong Hulyo, lubhang naapektuhan ng Habagat at Bagyong Carina ang ika-apat na distrito. Base sa report ng City Engineering Department, nasa 25 lugar dito ang binaha.