Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa mga opisyal ng barangay sa District 5 upang talakayin ang mga isinasagawang flood control projects sa kanilang mga nasasakupan.
Binigyang-diin ng alkalde ang kahalagahan ng mas matibay na koordinasyon ng mga barangay at ng pamahalaang lungsod.
Ang konsultasyon ay bahagi rin ng isinasagawang flood control audit ng lungsod.
Ang lahat ng nakalap na datos ay isusumite sa mga itinalagang ahensya ng Pangulo upang masuri at maimbestigahan ang mga proyektong may kinalaman sa flood control.
Layunin ni Mayor Joy na matiyak na ang lahat ng flood control projects sa Quezon City ay nakaayon at tumutugma sa Drainage Masterplan ng lungsod.
Dumalo rin sa pulong sina District Action Officer William Bawag, Barangay and Community Relations Department Head Ricky Corpuz, at City Engineer Atty. Dale Perral.










