Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang townhall meeting kasama ang mga punong barangay sa District 6 upang pag-usapan ang flood control projects sa distrito.
Hinikayat ng Alkalde ang mga opisyal na paigtingin ang koordinasyon sa lokal na pamahalaan patungkol sa mga ipinatutupad na proyekto sa mga barangay.
Dumalo sa pulong sina City Engineer Atty. Dale Perral, Barangay and Community Relations Department head Ricky Corpuz, at Action Officer Atty. Mark Aldave.








