Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Makikipagtulungan ang Pamahalaang Lungsod Quezon sa DOST-PHIVOLCS para tuparin ang planong pagtatayo ng bagong main office matapos ang pulong na pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte.
Alinsunod ito sa PHIVOLCS Modernization Act na layong mapaunlad pa ang monitoring stations, warning systems, at mga skilled personnel ng ahensya.
Kabilang sa pulong sina General Services Department OIC Fe Bass, QC Disaster Risk Reduction and Management Office head Bianca Perez at DOST-PHIVOLCS Deputy Director Mylene Villegas.





