Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte kasama si Department of Trade and Industry (DTI) HALAL Industry Taskforce Deputy Executive Director Mr. Dimnatang Radia para talakayin ang pagpapalaganap ng Halal industry sa lungsod.

Nakiisa sa pulong si QC Small Business and Cooperatives Development Promotions Office head Ms. Mona Celine Yap upang bigyan din ng oportunidad ang mga QCitizen MSMEs na maging bahagi ng programa.

Suportado naman ng pamahalaang lungsod ang mga programa na makatutulong upang tangkilikin ang mga produktong Halal.