Upang matugunan ang tumataas na kaso ng stroke sa Lungsod ay nakipag-partner ang Quezon City Local Government Unit sa East Avenue Medical Center.
Maglulunsad ng isang programa ang EAMC-Department of Neurosciences at QC Health Department para sa mas abot kaya, mabilis at epektibong pagtugon sa nga insidente ng stroke. Magsasagawa rin ng mga lecture tungkol sa prevention at healthy lifestyle ang EAMC.
Personal na dinaluhan nina Mayor Joy Belmonte at Dra. Malou Eleria ng Quezon City Health ang pulong.
Para sa mga emergency, maaaring tumawag sa ating Quezon City Helpline 122 para sa agarang aksyon.