Pinangunahan ni Mayor Joy Belmonte ang isang pulong kasama sina Kyle Tan, President & CEO, at Architect Adrian Chua, Chief Operating Officer ng Eton Properties Philippines, Inc. (EPPI).
Tinalakay sa pulong ang redevelopment ng ilang properties ng EPPI, mga kasalukuyan at paparating na investments at developments, pati na rin ang mga concerns ng kanilang mga tenants.
Binigyang-diin ni Mayor Joy na bukas at handang makinig ang pamahalaang lungsod, at aktibong nakikipag-ugnayan sa pribadong sektor.
Kasabay nito, hinikayat ng alkade ang mga private sector partners na magpatupad ng mga eco-friendly at sustainability policies ng QC.
Kasama sa pulong sina Margie Mejia ng QC Business Permits and Licensing Department at Jay Gatmaitan ng Local Economic Development and Investment Promotions Office (LEDIPO).







