Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay Father Matthieu Dauchez, Executive Director ng ANAK–Tulay ng Kabataan, upang talakayin ang iba’t ibang concern ukol sa kapakanan ng mga kabataang nasa kanilang pangangalaga.
Tinalakay sa pulong ang mga hakbang upang mapabuti ang kalagayan ng mga kabataan, pati na rin ang mga pangangailangan ng kanilang pasilidad upang matiyak na ligtas at maayos ito.
Dumalo rin sa pulong sina Maricris Veloso mula sa Education Affairs Unit, Engr. Isagani Versoza mula sa Department of Building Official, at mga kinatawan mula sa Social Services Development Department.








