Nakipag-usap ang Quezon City Government sa Federation of Quezon City Public Market Vendors Association kahapon.
Makikipagtulungan ang lokal na pamahalaan sa mga manininda, sa pangunguna ni Ms. Liwayway Forte, para maisaayos ang mga polisiya para sa kanilang sektor, partikular ang pagrerebisa ng Quezon City Market Code.
Pag-aaralan ng mga kawani ng lungsod at ng mga vendor ang kasalukuyang polisiya, upang maisa-pormal ang mga nais na pagbabago sa Market Code.
Dumalo sa pulong si Mayor Joy Belmonte, kasama sina Market Development and Administration Department at District 6 Action Officer Atty. Mark Aldave, City Legal Officer Atty. Carlo Austria, City Treasurer Edgar Villanueva, Chief of Staff Rowena Macatao, at City Secretary Atty. Thomas Alferos.










