Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at For the Women Foundation co-founder, Cara Wilson para talakayin ang Data Science Scholarship program para sa mga kababaihang mag-aaral ng QC.
Layon ng programa na suportahan ang ilang piling babaeng mag-aaral sa STEM na sasailalim sa training upang maging ganap na data scientist.
Buo ang suporta ng pamahalaang lungsod sa paghubog ng mga mag-aaral sa Data Science, at pagbibigay oportunidad sa mga kababaihan sa larangang ito.
Kasama sa pulong sina Information Technology Development Department OIC Mary Ann Cruz, Education Affairs Unit head Maricris Veloso, at Gender and Development Council Office head Janete Oviedo.




