Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kay dating Senador at The Children’s First 1000 Days Coalition (CFDC) Chairperson Atty. Joey Lina upang talakayin ang partnership sa lokal na pamahalaan para sa mga programang pangkalusugan ng mga bata at ina sa lungsod.
Pinag-usapan sa pulong ang kahalagahan ng wastong nutrisyon at healthcare sa unang 1,000 araw ng bata, mula pagbubuntis hanggang sa kanilang ikalawang kaarawan — upang maiwasan ang malnutrition at stunting.
Kasama rin sa pulong sina QC Health Department Head Dr. Ramona Abarquez at nutritionist-dietitian na si Jai Sideco.






