Bukas ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan sa Gokongwei Brothers Foundation (GBF) para sa mga proyekto nitong layong mapalinang ang kalaaman ng mga guro sa Lungsod Quezon.
Nakipagpulong si Mayor Joy kina Summit Media President Lisa Gokongwei-Cheng, GBF Executive Director Grace Colet, Schools Division Superintendent Carleen Sedilla, at Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso.
Kasama sa mga programang tinalakay ay ang scholarship programs para sa mga STEM teachers at ang GBF Class Builder na isang application na maaring magamit ng mga guro para sa kanilang personal development at pagtuturo.