Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang pamunuan ng Government Service Insurance System – Quezon City, sa pangunguna ng kanilang Branch Manager na si Ms Josefina Gudani, ngayong Martes.
Tutulungan ng lokal na pamahalaan na makahanap ng pansamantalang opisina sa lungsod ang GSIS, habang itinatayo ang bago nilang gusali.
Kasama ng alkalde sa pulong sina City Legal Officer Atty. Carlo Austria at Department of Building Official Engr. Isagani Verzosa Jr.










