Nakipagdayalogo ang Quezon City Government sa mga may-ari ng health and wellness establishments sa lungsod para ipaliwanag ang mga hakbang kontra MPOX.
Binigyang-diin ni Mayor Joy Belmonte ang kahalagahan ng kooperasyon ng mga negosyo, lalo na sa panahong may banta sa kalusugan ng publiko tulad ng MPOX.
Hiniling din ng alkalde ang mahigpit na pakikipagtulungan ng mga negosyo sa lokal na pamahalaan para matuldukan ang pagkalat ng MPOX, at maprotektahan ang mga QCitizen laban sa mga sakit.
Sinagot din ng QC Business Permit and Licensing Department (BPLD) ang mga katanungan ng mga negosyante tungkol sa mga dokumento na kailangan nilang ihanda, alinsunod sa mga batas at ordinansa.
Mahigit 140 establishment owners staff ang dumalo sa pagtitipon ngayong umaga.