Bumisita kay Mayor Joy Belmonte ang mga opisyal ng Huawei Technologies Corporation upang ibahagi ang kanilang smart city technology, programs, at mga digital system na layong mapadali ang paghahatid ng serbisyo publiko sa Lungsod Quezon.

Inimbitahan din ng mga opisyal ng Huawei si Mayor Joy upang pangunahan ang QC delegates na mag benchmark sa China at headquarters ng Huawei upang matutunan ang mga best practices nito.

Ipinaliwanag naman ng Alkalde ang agenda ng kanyang administrasyon tulad ng good governance, mga pro-environmental programs at projects, at ang matiyak na tunay na mapakikinabangan ng mga QCitizens ang programang ipinatutupad ng lokal na pamahalaan.

Present sa meeting sina City Administrator Michael Alimurung, Business Permits and Licensing Department head Margie Santos, Huawei Director Justin Pan, Director Rony Zhang, Director Sherwin Liu, at Vertical Solution Expert Charles Patacsil.

+4