Nakipagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Ms.Valerie Bernardino ng Quezon City Skills and Livelihood Foundation Inc. sa pamunuan ng Hyundai Motor Philippines upang talakayin ang partnership ng QC para sa kanilang one-year automotive technology scholarship program.
Layon nito na bigyan ng scholarship ang 10 kabataan sa automotive technology program, kalakip nito ay mabibigyan din ng job opportunity ang mga magsisipagtapos na scholar.
Nakiisa sa meeting sina Asst. City Administrator Atty. Rene Grapilon, Maricris Veloso ng Education Affairs Unit at Dr. Carleen Sedilla ng Schools Division Office.