Bumisita sa Quezon City Hall ang mga opisyal ng I.Syoot Multimedia na nag-produce ng pelikulang “A Thousand Forests”.

Ang A Thousand Forests ay isang coming-of-age Filipino musical movie na tumatalakay sa iba-ibang suliranin sa kalikasan dahil sa climate change, at epekto nito sa mga kabataan.

Ayon kay Mayor Joy, susuportahan ng lokal na pamahalaan ang pagpapalabas ng pelikula sa mga kabataang QCitizen.

Ito’y para mapalawig pa ang kanilang kaaalaman tungkol sa climate change, at mahikayat silang makiisa sa layunin ng lungsod na mapangalagaan ang kapaligiran.

Mapapanood ang A Thousand Forests sa mga sinehan simula June 26, 2024. Narito ang trailer ng pelikula:

https://www.facebook.com/athousandforestsph/posts/pfbid0FxpyiYxV5JaTs2KmhjE92x3E5JnzLeWpqMCL1MPHK4jg91m3jJYPG2Q9vNrX8Qt7l