Bilang bahagi ng cancer prevention program ng pamahalaang lungsod, nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at mga kinatawan ng IM Optimal Access, Inc. upang talakayin ang mga proyektong pangkalusugan ng QC.

Ipinakita nina IM Optimal Access, Inc. founder Louisa Rio at co-founder Rhea Espino ang makabagong breast screening device na maaaring magamit sa pag detect ng breast cancer.

Binigyang-diin sa pulong ang kahalagahan ng breast cancer early detection sa tulong ng testing at self-examination techniques upang agad na sumailalim sa treatment ang mga pasyente sa lalong madaling panahon.

Kasama sa pulong sina Department of Health Usec. Maria Francia Laxamana, City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez at QC Cancer Control Coordinator Dr. Karen See.

+3