Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte kasama sina Information Technology and Development Department (ITDD) OIC Mary Ann G. Cruz at mga representative ng DocuWare at INFINIVAN Inc. upang talakayin ang inihahandang Document Management System (DMS) para sa internal processes ng Quezon City Hall.
Sa tulong ng DMS, mas mapabibilis na ang routing ng mga dokumento ng mga departamento at opisina ng lokal na pamahalaan.
Layon din ng DMS na mas maging transparent at higit pang bawasan ang red tape sa City Hall.
Dumalo rin sa pulong sina Chief of Staff Rowena Macatao at City Attorney Carlo Austria.
