Mas papaigtingin pa ng Quezon City Government ang mga programa ng lungsod kontra Anti-Online Sexual Abuse or Exploitation of Children (OSAEC) sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa non-government organization na International Justice Mission.

Sa pulong ni Mayor Joy Belmonte kasama ang IJM, ipinakita ng organisasyon ang patuloy na pagtaas ng kaso ng OSAEC sa Pilipinas.

Para matugunan ito, bubuo ang lungsod ng isang mekanismo para mas mahikayat pa ang mga mamamayan na i-report ang mga kaso ng OSAEC sa kanilang komunidad.

+3