Makikipagtulungan ang Quezon City Government sa textile manufacturer na Isla-Tek para sa pagsusulong ng paggamit ng proudly Filipino-made tropical fabrics.
Sa pulong ngayong umaga, ibinahagi ng Isla-Tek kung paano nila sinusuportahan ang mga magsasaka at agri-entrepreneurs para mabawasan ang pag-import ng mga tela mula sa ibang bansa.
Para mas maraming mananahi ang mahikayat na gumamit ng local fabrics, ipapakilala ng lokal na pamahalaan sa mga sewer ng Kamuning ang mga tela ng Isla-Tek, at kung paano ito makakatulong sa kanilang kabuhayan.
Dumalo sa pulong ngayong umaga sina Mayor Joy Belmonte, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office Head Mona Yap at Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman.







