Ibinahagi ni Mayor Joy Belmonte ang iba-ibang programa ng lungsod sa mga kinatawan ng J&T Express PH.

Kabilang sa mga binanggit ng alkalde ang mga inisyatibo ng QC para sa mga negosyo, partikular sa mga micro, small, and medium enterprises (MSMEs), at social services programs gaya ng Kilo/s Kyusi store, at mga institusyon ng lungsod na nangangalaga sa mga inabandonang senior citizen, mga biktima ng pang-aabuso, at mga family in street situation.

Ipinahayag naman ng J&T ang kanilang hangarin na pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan para mas makapagbigay ng serbisyo para sa mga QCitizen.

Naroon sa meeting sina Local Economic Investment Promotions Office (LEIPO) – Investment and Promotions Division Chief Jong Sumpaico at J&T Express Philippines branding department representative Joseph Emmanuel Orcine.