Tiniyak ng Quezon City Government na mabibigyang solusyon ang problema sa lupa ng Kaisa ng Samahan ng mga Maralitang Taga Pasacola-Dulo Homeowners Association ng Barangay Nagkaisang Nayon.

Pinakinggan nina Mayor Joy Belmonte, Housing, Community Development and Resettlement Department (HCDRD) OIC Atty. Jojo Conejero, City Real Estate Management and Control Office (CREMCO) Action Officer Atty. Pancho Joaquin, at Nagkaisang Nayon Punong Barangay Sonny Dela Cruz ang kinakaharap ng grupo, sa pangunguna ng kanilang presidente na si Mr. Roy Pomendia.

Sisikapin ng lungsod na mabigyang solusyon ang kasalukuyang problema sa lupa na kinatitirikan ng kanilang mga bahay.