Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte sa Khan Academy na pinangungunahan ni Geraldine Acuña-Sunshine upang talakayin ang resulta ng ilang buwang pilot program ng Khan Academy sa mga paaralan sa QC.
Layon nitong bigyang lunas ang suliranin ng learning poverty sa pamamagitan ng Education Technology o EdTech, kasama na rin ang AI.
Nangako ang pamahalaang lungsod na patuloy ang paglinang at suporta para sa edukasyon ng mga mag-aaral ng QC.


