Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Atty. Geraldine Acuña-Sunshine, CEO ng Khan Academy Philippines upang talakayin ang mga resulta ng naging pilot testing ng Khan Academy platform sa ilang piling paaralan sa QC.

Kasama rin sa pulong sina QC Education Affairs Unit OIC Ms. Maricris Veloso, Atty. Myrish Cadapan-Antonio, Trustee and COO at Ms. Denise Fabella, Executive Director ng Khan Academy PH.

Layon ng free online app na Khan Academy na matulungan ang mga mag-aaral sa kanilang tutoring at review sessions sa kanilang school subjects tulad ng Math, Science, Art and Humanities, Reading and Language, at iba pa.