Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong sina Mayor Joy Belmonte at Khan Academy Philippines CEO Geraldine Acuña-Sunshine para pag-usapan ang implementasyon ng digital learning tools sa mga paaralan sa Lungsod Quezon.
Nais ng Alkalde na palakasin pa ang Khan Academy platform, Mathtalino Summer Camp, at Khanmigo AI sa QC schools upang makatulong sa pag-aaral ng kabataang QCitizens.
Sa kasalukuyan, aabot na sa 117 schools ang kasali sa proyekto at aabot sa 69,400 na estudyante ang nakikinabang na sa learning tool.
Kasama sa pulong sina Schools Division Superintendent Carleen Sedilla at Education Affairs Unit OIC Maricris Veloso.






