Pinakinggan at binigyang-solusyon ni Mayor Joy Belmonte ang mga hinaing at isyung kinakaharap ng mga miyembro ng Kilusan sa Kabuhayan, Kalusugan, Kalikasan at Katiyakan sa Paninirahan (K4K-QC).

Kabilang sa mga inaksyunan ng lokal na pamahalaan ang mga isyu ng organisasyon tungkol sa mga vending site, urban farming, at pabahay.

Kasama ng alkalde sa pulong sina Housing Community Development and Resettlement Department (HCDRD) OIC Atty. Jojo Conejero, Small Business Cooperatives Development and Promotions Office (SBCDPO) Head Mona Yap, at kinatawan ng Market Development and Administration Department (MDAD).

+8