Upang mas mapalakas pa ang mga programa ng Quezon City para sa kalusugan ng mga kababaihan, nakipagpulong ang lokal na pamahalaan sa Kindred Philippines ngayong umaga.
Binanggit ni Mayor Joy Belmonte kay Kindred Philippines co-founder at CEO Jessica De Mesa ang mga programa ng lungsod, at kung paano sila makakapagbigay ng suporta sa mga ito.
Handa namang makipagtulungan ang Kindred lalo na sa pagsusulong ng kaalaman sa family planning, reproductive health education, pagpapalawig pa ng program sa mental health, at pagsisiguro ng nutrisyon ng mga kababaihan.
Nakatakdang itayo ang unang QC-based clinic ng Kindred sa Vertis North.
Kasama ng alkalde sa pulong sina Dr. Dave Vergara, City Health Department OIC Dr. Ramona Abarquez, Gender and Development TWG (GAD-TWG) Chief Janet Oviedo.