Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina KLIMA Manila Observatory Board of Trustees members Atty. Tony La Viña at Fr. Jett Villarin upang talakayin ang mga programa ng lungsod ukol sa environmental sustainability at climate resiliency.

Pinag-usapan din ang mga programa na maaari pang maipatupad ng lungsod upang mapatibay ang kampanya nito laban sa climate change.

Nakiisa naman sa pulong si QC Climate Change and Environmental Sustainability Department head Ms. Andrea Villaroman.