Malugod na tinanggap ni Mayor Joy Belmonte ang pagbisita ni Komunidad CEO and founder Felix Ayque. Tinalakay sa meeting ang pagpapalawak ng aplikasyon ng QC’s Intelligent, Resilient, and Integrated Systems for the Urban Population (iRISEUP) system.
Ang Komunidad ang katuwang ng lokal na pamahalaan upang mabuo ang iRISEUP system. Ito ay real time monitoring system ng QC Disaster Risk Reduction and Management Office (DRRMO) na tumutulong upang mapaghandaan ng mga barangay at komunidad ang ulan, kalidad ng hangin, taas ng tubig at pagyanig gamit ang mga early warning device.
Nais din ng alkalde na madagdagan pa ang mga gamit sa iRISEUP, partikular sa climate action initiatives ng lungsod. Inihahanda na rin ng lokal na pamahalaan ang paglulunsad ng mobile application nito upang magamit ng QCitizens.
Nitong Oktubre, nakatanggap ng parangal ang iRISEUP system mula sa Galing Pook Awards 2023.
Dumalo rin sa pulong sina DRRMO OIC Bianca Perez at Climate Change and Environmental Sustainability Department Head Andrea Villaroman.


