Makikipagtulungan ang Quezon City Government sa Konkuk University ng South Korea para mas mapalawig at mapaunlad ang research at information and communication technology (ICT) program ng Quezon City University.

Sa kanilang pulong kay Mayor Joy Belmonte ngayong umaga, sinabi ng Konkuk University officials na nais nilang magbahagi ng kanilang kaalaman sa information technology sa mga mag-aaral ng QCU.

Handa rin ang unibersidad na magbigay suporta sa QCU para maging Global Center for Collaboration at makapagtatag ng mga pasilidad na nakatuon sa pagpapaunlad ng teknolohiya.

Kasama ni Mayor Joy sa meeting sina QCU President Dr. Theresita Atienza, kinatawan ng Konkuk University na si Prof. Kim Gyoung Mo, Korea Virtual Human Industry Association President Seo KookHan, Dcarrick Inc CEO Choi InHo, at VENTARV CEO Jeon WooYeol.

+6