Muling nakipagdayalogo si Mayor Joy Belmonte sa mga may-ari ng lechon establishments sa La Loma upang talakayin ang pagpapabuti ng proseso para sa kanilang mga clearance at permits.
Matatandaang naglabas ang pamahalaang lungsod ng Temporary Closure Order sa 14 na litsunan matapos magpositibo sa ASF ang ilang baboy.
Layon ng pulong na higit pang mapaunlad ang operasyon ng mga litsunan at matiyak na malinis, ligtas, at de-kalidad ang mga produktong ibinibenta sa La Loma.
Dumalo sa dayalogo sina City Chief of Staff Rowena Macatao, District 1 Action Officer Ollie Belmonte, City Veterinarian Dr. Rey Del Napoles, at Business Permits and Licensing Department head Margie Mejia.
Nakiisa rin sa pulong sina City Attorney Carlo Austria, City Health Department head Dr. Ramona Abarquez, at La Loma Lechoneros President / Barangay Paang Bundok Punong Barangay William Chua.








