Loading the Elevenlabs Text to Speech AudioNative Player...
Nagpulong ang mga kinatawan ng Quezon City Government at mga lechonero ng La Loma bilang paghahanda sa gaganaping Lechon Festival sa May 17.
Dumalo sa pulong sina District 1 Action Officer Ollie Belmonte, QC Tourism Department OIC Giana Barata, PAISD Head Bert Apostol, QC Veterinarian Dr. Rey Del Napoles, La Loma Lechoneros President at Barangay Paang Bundok P/B William Chua, at Eva De Vera ng Nuestra Señora de Salvacion de La Loma para pag-usapan ang mga gagawing aktibidad sa araw ng pista.
Nakasuporta ang lokal na pamahalaan para masigurong masaya at mapayapa ang Lechon Festival ngayong taon.










