Nakipagpulong ang Quezon City Government sa Laging Handa Homeowners Association ngayong umaga.
Binigyang-solusyon ng lokal na pamahalaan ang mga concern at suliranin na kinakaharap ng HOA, partikular sa parking at pagpapalakas ng ugnayan ng kanilang grupo sa pamahalaang lungsod at barangay.
Nagpahayag naman ng suporta ang HOA sa QC Government lalo na sa pagpapayabong at pagpapalawak pa ng green spaces sa kanilang lugar.
Dumalo sa pulong si Mayor Joy Belmonte, kasama sina Parks Development and Administration Department Chief Ar. Red Avelino, City Planning Development Department Head Dr. Jed Gomez, Zoning Administration Unit OIC Michael Velasco, at District 4 Action Officer Atty. Zandy Zacate.




