Mas ilalapit na ang mga farm produce sa mga QCitizen!

Nakipagpulong ang Quezon City Government sa Lalamove para pag-usapan ang farm to market project.

Sa farm to market, mas papadaliin ng Lalamove ang pag-aangkat ng produce mula Baguio para sa mga tindero at tinderang QCitizen. Mas malaki rin ang kikitain ng mga magsasaka at mga vendor dahil wala nang middleman at mabilis na ang proseso.

Kasama ni Mayor Joy Belmonte sa pulong ngayong hapon sina Market Development and Administration Department (MDAD) Chief PCol. Alex Alberto (Ret.), at Christelle Jovenir ng Lalamove.