Trabaho para sa kabataang Qcitizens ang hangad ng lungsod!

Nagpulong ang lokal na pamahalaan at ang Lifeskills Ph upang pag-usapan ang magbubukas na training center sa lungsod para magbigay ng oportunidad sa mga estudyante ng Quezon City University.

Bukas din ito sa mga kabataan na gustong magkaroon ng dagdag kaalaman patungkol sa programming at hospitality management.

Dumalo dito sina Mayor Joy Belmonte, Cecile Ang at Jose Mari Oquinena, QC Council Committee on Education, Science and Technology Chairperson Coun. Aly Medalla, at Education Affairs head Maricris Veloso.