Nakipagpulong si Mayor Joy Belmonte kina Lito at Kim Camacho upang pag-usapan ang ipatutupad na education program ng international organization na Scholas Occurrentes sa Lungsod Quezon.
Ang Scholas Occurrentes ay itinatag ni Pope Francis sa Argentina noon. Layon ng organisasyon na turuan ang mga kabataan patungkol sa iba-ibang mga isyu sa lipunan.
Target itong ipatupad sa 10 eskwelahan sa lungsod para sa mga kabataang QCitizens na nasa edad 15 hanggang 17.
Kasama ng alkalde sa pulong sina Education Affairs Unit head Maricris Veloso at ang mga kawani ng Youth Development Office.


